Thursday, August 31, 2006

May GRADO ang DROGA ni GARDO

Wala lang. Sa kakaisip ko sa salitang droga kung ano-ano yun nabuo kong salita na tugma sa droga.Nakaimbento ako ng bagong tongue twister na hindi ko alam kung bago nga o dehins. Hehehe. Cge ikaw subukan mong sabihin yan ng paulit ulit sa loob ng 1hour and 60min and 3600sec at pagnagawa mu yun bigyan kita ng US$YP100,000,000,000.00. Hehehe. Tsige try and try until(you die) you suceed. Gbu. Slmt s pgbbsa.

Monday, August 21, 2006

Marcial Bonifacio

Kilala nyo ba si Marcial Bonifacio? Ito'y pangalang ginamit ni ninoy para makabalik ng pinas dahil binan sya ng rehimeng marcos na mortal nyang kalaban. Ang Marcial ay sumisimbulo sa martial law na kumitil ng demokrasya ng bansa at ang Bonifacio ay hango sa Fort Boni na pinagkulungan kay ninoy dahil sa pagtuligsa nya kay marcos. At pagbalik ni ninoy dito sa bansa gamit ang pangalan, binaril sya at namatay sa airport na ipinangalan sa kanya. Kaya ko sya nabanggit dahil araw ngayon ng pagkamaty nya. Naalala ko lang dahil binalita sa tv at ginawang holiday kaya walang pasok ngayon. Konti na lang siguro ang nagdidiwang ng pagkatsugi nya at ang pagiging bayani nya na ipinaglaban ang demokrasya ng bansa. Konti na lang ang nakakaalam ng pangalang Marcial Bonifacio. Napanood ko kagabi sa ch9 yun maikling istorya ng buhay nya kasama ang tapang at pagmamahal nya s bayan. Para syang si Jose Rizal na hinuli,kinulong,pumunta sa ibang bansa at binaril pero si ninoy nakatalikod ng binaril. Sya nga pala, nagpagupit ako kanina sa pulung bulu. Sinabi sakin ng mama ko na may barbero daw dun na bakla na gumugupit ng usong buhok. Dati na kong nagpagupit sa bakla. Ayos. Maganda. Ganun talaga ang mga bakla kung gumupit. Para silang iskupltor na may sining sa paggupit. Di lang basta gupit, dahan-dahan at may pagalaga. P60 ang singil pero P50 lang sakin dahil may discount daw ang mga pogi. Kala ko aabot ng higit doon kasi hiner dry pa ko at naisip kong tumakbo kung ganun kamahal dahil saktong P60 lang binigay ni mama ko. Nahiya ako nung una dahil sarado pa sila at sinilip ko sa loob at nakita kong tulog. Inistorbo ko tapos P60 lang ibabayad ko. Pero kahit na bakla sila, astig din sila. Idolo ko nga din sila eh. Pero di ibigsabihin nun bakla ako. Hindi dapat sila inaalila o bibigyang ng diskriminisasyon. Kahit ganun sila, mas malaki pa nga ang silbi nila sa ibang lalaki dyan na walang ginawa kundi gumawa ng kasalanan. Dapat silang irespeto at galangin ang pagkatao. Amen. Ang lesson na ibinigay ko sa inyo ay wag kalimutan ang mga bayaning bakla at si ninoy na hindi bakla. Hallelujah. Cge. Salamat sa pagbabasa. Gbu.