Friday, July 28, 2006

Hay..n0ypi talaga

Kakapanood ko lang sa tv nung isang gabi na hindi ko na matandaan kung kelan sa 'kapuso mo jessica soho' yun tungkol sa pagtatakla. Binigyan kasi ng 'wish ko lang' ng isang banyo na may kubeta ang mga taong taga-di ko na matandaan kung saan dahil sa tabing dagat sila nagdudumi. Tuwang tuwa sila dahil meron na silang kubeta at hindi na babaho ang pailigid nila dahil sa pupu. Pero pagkalipas ng tatlong taon, hindi na sila pumupupu dito dahil hindi na nila inaalagaan ang kubeta. Ang barangay na ang may hawak dito at bawat pagpupu ay may kaukulang bayad na P3 at dahil na rin puro mahihirap na tao ang nakatira dun, halos wala ng gumagamit nito. Kaya balik na lang sila sa tabing dagat. Puno na ng basura, puno pa ng takleyus. Hay..PILIPINO talaga, kapwa na PILIPINO inaabuso pa. Buti na lang may isang organisasyon ang nagbibigay ng libreng inidoro para sa mga taong wala netoh. Para na rin maiwasan ang diarrhea. Pero kahit papano PILIPINO din ako kaya kahit magtago ako sa poso negro, hindi ko maitatangging n0ypi ay pogi. May ugali din ako ng isang tunay na PILIPINO. paminsn minsan tamad, kuripot at walang disiplina mismo pati sa sarili. Mas ok kung pahalagahan natin yun sinabi ni Jesus na 'it's better to give than to recieve'. Nung minsan nga sa skwela humingi sakin yun kaklase ko ng dalawang piso kasi bibili sya ng voice cracker flakes. Wala na kong pamasahe nun pero naalaa ko ang sinabi sakin ni JESUS nung isang araw habang nanonood ako ng doremon. Kaya binigay ko pa rin ang P2 sa kanya pero may kasamang pagkakonsensya, "bro sabi ni LORD its better to give than to recieve kaya kahit wala na kong pamasahe bibigyan pa din kita ng P2". Buti na lang binalik nya kundi hindi ako makakauwi. Hehehehe. Di ko sigurado kung anong tingin ng ibang lahi sa atin. Kung sinabi ba nila ang salitang tamad, n0ypi agad ang nas isp nila?? o kung late, tayo din ba?? o kung walang displina, tayo din ba?? o kung walang pagmamahal sa sariling bayan, ganun ba tayo?? Alam nyo mga tol galit ako sa mga kurakot na pulitiko katulad ni tooooot. Clue: ang abbreviation ng name nya ay katulad ng abbreviation ng isang tv network kung san pinapalabas si doremon at captain barbell. Galit ako dahil nangungurakot sila pero ang dami namang naghihirap na kapwa nila. Kaya may 'Magdal0' ay dahil may kurakot. Kaya naman naglalaban ang kongreso ay dahil kurakot din ang iba. Pati nga sila na nagsasampa ng impeachment complain ay kurakot din eh. Para ngang walang pulitikong hindi kurakot. Say ku lang yun ah. Buti pa ang mga iniidolo ko ay mahal na mahal ang bansa natin. Tulad nila Jose Rizal(ginamit ang makalumang bolpen para labanan ang mga gunggung na kastila), Polmedina jr(na nagsulat ng pugadbaboy na paborito ni elmoi) at Bobong pinoy(ang nagsabi na 'mahal ko ang bansa ko, sapat na yon para masabi mong masarap tumira sa PILIPINAS). Kay bobng pinoy ako mismo nabuhayn ng pagkaPILIPINO. Nung minsan kasi na pakalat kalat lang ang libro na bakit baliktad magbasa ng libro ang PILIPINO, nacurious ako kung ano yun. Kaya nung minasa ako ang mga naunang page, tawang tawa ako. At mas nakilala ko ang pagkaPILIPINO nya nung mabasa ko ng bandang huling pages. Kahit na maraming kurakot dito, kahit na maraming mahihirap dito, kahit na mukhang hindi na aangat ang bansa natin, mahal nya pa rin ito. Idol ko sya. Astig sya men. Kung mapapansin nyo puro mga manunulat ang idolo ko, yun ay gusto ko ding maging katulad nila na naging sikat sa larangan ng makalumang bolpen, komiks na patungkol sa mga PILIPINO, at sa larangan ng kakaiba at kakatwang pagkomento sa internet, gamit ang pagmamahal sa bayang pinagmulan. Hehehe. Pero malayo pa yun ng konti. Konti lang. Hehe ulit. Cge. Maraming salamat x 10 sa iyo na nagbabasa nito, wala kasing nagpupunta dito sa blog ko kahit na pakapilit ko yun iba kong nakakachat sa yahu mesenjer. Hehehe. Gbu plgi. Babay.

No comments: