Tuesday, July 11, 2006

Bakit malaki ang MATA ni b3ntong?? (Gawin mong pinakamasayang araw ang pinakamasama mong araw)

Bakit nga ba malaki ang mata ko? Madalas akong lokohin dahil sa malaki kong mata. Minsan nilalakihan ng mga nangbubusit sakin ang mata nila para lokohin ako. Yung iba mga bata na 7 taong gulang pababa na hindi ko pede patulan dahil siguradong isusumbong ako sa mga kuya nilang siga o kaya mga taong kagigising lang. Matabungkay ang isa sa mga nikneym ku nung elementary sa AES na ipinangalan sakin ng titser kong masungit sa english subject. Pati mga titser na walang magawa sa buhay niloloko ako. Wala na kong magawa nun kundi umiyak. Iyakin ako nung elem tuwing niloloko ako. Ngayon umiiyak lang ako pagpinapalo ako sa buldet ng nanay ko pagnakita nya ang mga drowing ko sa mga notebook ko, mahilig kasi ako magdrowing. Tinatago ko na lang ang mga notebook para hindi ako masermunan tuwing umagang paginspeksyon ng nanay ko sa mga gamit ko sa skwela. Arkitektura ang kinuha ko kasi gusto kong gumawa ng robot. Bata pa lang ako, kung saan malaki na ang mga mata ko, mahilig na ko sa robot kaya inisip ko pagtanda na gagawa ako ng robot. Simula nung bata ako na hanggang ngayon ay bata pa rin, palagi na kong niloloko sa malaki kong mata. Sa ngayon ayos na ko. Kahit lokohin ako dahil sa malaki kong mata, tanggap ko na. Tanggap ko na talaga na kahit gayahin ko ang mga mata ng mga intsik malaki talaga ang MATA ko. May dalawa akong kaibigan na sila pete at chikitz na kabaligtaran ko. Maputi sila, dulok ako. Pogi sila, cute ako. Matangkad sila, pandak lang ako ng konti. Singkit mata nila, malaki MATA ko.
Nung highschool naman ako sa SSC(super scientipik class), may naging kalsm8 ako na may malaki din sa kanila. Ang sa kanila ay malaki ang ulo(di ko pedeng banggitin ang pangalan kasi baka resbakan ako pagnabasa nya tong sumisikat kong blog), pag ganun daw ibig sabihin malaki ang utak kaya matalino pero ang isa kong klasm8 na naging seatmate ko na itago na lang natin sa pangalang 'malaki ang ulo #1' ay hindi naman ganun katalino kahit malaki ang diameter ng ulo. Ang isa naman na si 'malaki ang ulo #2' ay madalas lokohin ng isa kong kaklase na may hydrosepalus sa laki ng ulo din. Ito naman ay masasabi kong matalino............katulad ko. May mga taong malaki, may mga taong malati. Ang bespren ko naman na si elmoi ay sinabihan ng kanyang inang napakabuti na maganda naman ang mata ko. Kahit malaki, pogi naman. Nagagandahan din ako sa mga mata ko tuwing titingin ako sa salamin. Minsan natakot ako sa sarili ko nung nakita kong malaki ang mata ko. Pati nga butas ng ilong ko malaki din. Yun ay sa kadahilanang hinlalaking daliri sa paa ang ginagamit ko sa pangungulangot. Aus ba? Try nyo din minsan at siguradong mageenjoy kayo. Naalala ko si bamboo nun na may malaki ding mata. Pumapanget o lumalaki kasi ang mga mata ko pag pagod ito dahil sa kakapanood ng doremon. Kiler eye din pag gusto kong takutin ang mga taong may tatoong itsurang kobra hanggang buldet. Palagi akong nakakaisip ng ibat ibang kowt tuwing tinititigan ko ang mga mata ko. Tulad ng "ang taong may tiyaga ay di nilalaga", "ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ay may stip nek", "isang pelat isang muta", "dont judge da book by covering it", "aanhin mo ang damo kung meron namang kabayo", "time is blue", "pag wala ang pusa wala rin ang aso", "may tainga ang lupa may pakpak ang ibon" saka "gawin mong pinakamasayang araw ang pinakamasama mong araw".
Tinanong ko ang sarili ko, bakit nga ba malaki ang MATA ko? Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin sumagot ang sarili ko. Maraming salamat sa pagbabasa mga bro. Gbu. Babay.

Saturday, June 17, 2006

Crazy8

Ang taytel natin ngayon ay 'Crazy8'. Ito ay tungkol sa magkakaibigang walo na ipinangalan sa larong baraha ang neym ng grupo. Kabilang ako dyan. Sila ang mga tunay kong kaibigan, di pa kasali jan ang iba kong fwendz kasi 8 lang yan. Sila ang mga huli kong salita o last words bago ako matsugi. Parang si JESUS CHRIST na may 7 last words bago pumunta sa kanang kamay ng MAYKAPAL. Bat pala MAYKAPAL ang tawag sa lumikha ng lahat?? Makapal ba ang muks NYA. Hehehe. Bat pala 7 last words ang last words ni JESUS?? Bat hindi 6 o 8 o 9 o100?? Bat kaya yun ang napili nya?? Hindi na lang NYA ko gayahin na ang mga fwendz ko ang last words ko. Mas maganda siguro kung kumanta na lang SYA ng hallelujah ng bamboo. Papalakpakan pa SYA ng mga taong nakatingin sa KANYA habang nakapako SYA sa krus:
JESUS: Ohh.. ohhh wohh.. ohh.. halleluuuu.. hallelujah..
Mga nanonood: Yahoong yahoo!! Astig mo men!!
Hehehe. Di pa siguro uso nun yung musika ng bamboo noh. Di ko rin alam kung ano yun usong kanta nun o kung may rakista na ba nun. Ang pagpako pala sa krus ay ang pinakamalupet na parusa sa mga tao nung panahon NYA. Sasakit na ang mga palad mo dahil sa malaking pako, napapahiya ka pa sa mga taong gustong makita ang brief mong walang tatak. Sumakit pala ang tyan ko kanina sa skul kaya napatakla ako sa madumi nilang banyo. Tiniis ko na lang ang napakaduming inidoro kasi pumuputok na talaga ang buldet ko. GRabetee. Totoo ang sinasabi ko ha, di ako nagiimbento, kakainum ko nga lang ng imodium kanina eh. At dahil dyan naaambag sa utak ko ang mga katanungang ano ang tatak ng brief ni JESUS nung ipako SYA?? bakit may 7 last words si Hesu Kristo?? sino ang nakarinig na nagsabi si JESUS ng 7 last words?? at bakit nya chinismis na may 7 last words si JESUS?? at ano ang pangalan ng nanay ng tiyuhin na kabarkada na palaboy sa inuman na kinakapatid sa lola na apo sa kulangot na ate na kuya na bunso sa labinanim na magkakapatid at kalaguyo ng isang bading na may papa na mahilig sumagot sa tanong na ito?? at bakit ako nagtatanong ng mga ganitong bagay?? bakit nga ba?? at bat ko sinagot ng tanong ang sarili kong tanong na ako lang ang nagtatanong pero ako rin ang sasagot?? at bakit ako tanong ng tanong?? Sa ating pagpapatuloy sa talakayan, malalaman natin ang mga kasagutan sa mga tanong na di ko naman alam ang sagot. Mga kaibigan, ang wirdo ko noh. Alam nyo ba yun mga pinapalabas sa tv tuwing mahal na araw?? Yun puro tungkol sa lifestory ni JESUS na ala-magpakailanman spesyal. Nanonood ako ng mga ganun kasi yun lang yun palabas sa tv eh. Napagaralan ko na ang mga ganun kwento ay hango sa storya ng bibliya. Una, ipapanganak si JESUS sa betlehem pero sa nazareth ata na hindi ko sigurado kung saan talaga mga bro. Sa pasko pinapalabas ang storyang yun. Kapag mga abril na, paspasan na sa likod ng mga mandarame ang makikita ko. Kadirix. Ginagaya kasi nila si JESUS na pinarusahan ng mga sundalong romano. Ipapaliwanag ko sa inyo kung papaano ang proseso ng pagkamatay ng ating bida. Una, hahalikan sya ni 'boy badbreath' hudas para malaman ng mga gung-gung na kontrabida kung sino ang huhulihin nila. Tapos bubugbugin sya at papaluin ng sinturon ni hudas. Ang sakit ng mapalo ng sinturon ni hudas lalo na pag bagong taon. Paghilo na sya, dadalhin sya sa harap ng taong bayan at iboboto nila kung sino ang dapat ang lumaya, si barabas na mahaba ang balbas o si JESUS. Kung nagtataka kayo kung bakit nakaCAPSLOCK ang pangalan ni JESUS at ng iba pa, yun ay sa kadahilanang banal sila. Saka baka bumisita si LORDGOD sa blog ko eh. Hehehe. At syempre dahil sa iskripted na parang smackdown, pipiliin nila si barabas na mananabas. Ang pagbubuhat ng krus ang susunod. Pero bago yun, magsisinungaling pala muna si pedro ng atlung besis. Tutulungan si JESUS ng isang tao na nakalimutan ko ang neym dahil pagod na ang katawan NYA. Patungo sa ating climax, pupunta sila sa isang bundok para dun SYA bitayin ng nakapaa lang. Hindi pa kasi uso nun yun mga dyip kaya paa lang ang paglalakbay nila. Huhubaran na SYA nyan at ang brief na walang tatak ang ititira sa KANYA. Tapos ipapako na sya sa krus at pagtatawanan SYA dahil sa brief NYANG walang tatak. Para sa mga taong katulad ng padre o madre o pastor na nagbabasa nito, hindi ko poh pinagkakatuwaan si LORD. Sori poh kung nagalit kayo sa sinulat koh pero hindi ko naman sinulat toh para lokohin ng todo si LORD. At sa pagpapatuloy, matsutsugi na SYA at ililibing na sa isang kweba. Alam ko lahat ng ito dahil nagbabasa ako ng bibliya. Hay.. natapos din. Palagi akong naniniwala kay LORDGOD dahil palagi NYANG tinutupad ang mga hiling ko. Pero minsan hindi rin kasi sinusubukan NYA koh kun maniniwala pa rin ba ko sa KANYA kahit na hindi ko SYA maramdaman. Kaya kayo na nagbabasa, palagi kayong maniniwala sa KANYA kahit na puno kayo ng problema. Tandaan na pagsubok ang mga ibinibigay NYA at hindi pahirap. Wag kayong matulad sa mga taong sinira ang buhay dahil sa hindi sila tumatag sa pagsubok na ibinigay sa kanila. Tungkol pala sa mga nagbabasa nito, NAPAKALAKING SALAMAT sa inyo at pagbibigay ng oras. Sa mga bumisita katulad ng mga fwendz ko na sila cutie anNe at shina, maraming salamat sa pagkoment nyoh. GOD bless sa inyoh. Hehehe. cge.. hangagang sa susunod, babay.

Thursday, June 08, 2006

Congratulations!! Nakakita na ko ng multo

Katulad ng kwento ng ibang tao, may wirdong bagay na nangyayari sa kanila bago makakita ng mumu. Ganun din ako. Kala ko may mumu sa banyo namin nung isang gabi, pero yung ate ko lang pala na kausap sa celfone ang bf nya. Muntik na kong makakita ng mumu mga pogi. Hehehe. Buti na lang hindi pa. Ayokong makakita ng mga bagay na yun. Kakatakot. Grabetee. Minsan pakiramdam ko may mga mumu o isang mumu lang ang nasa tabi ko o paligid ko kaya kinakabahan ako pagbiglang may sumulpot na isa at sabihing "AWOOOOOOOOO". Baka nga ngayon meron na sa tabi ko habang sinusulat ko ito. Tumatawa sa mga sinasabi ko sa blog na ito. Hahahaha. Sabi kasi nila na pagpinaguusapan ang mga mumu o kung ano man na tsugi na ay lumalapit sa'yo para makinig. Mas rumarami daw sila pag pinaguusapan. AWOOOOOOO!!hehe... kakatakot... okat-okat!... May mga kakilala din ako na nakakakita ng mumu. May mga taong lebel 1 lang ang kakayahan. Meron ding malasupersayan ang abilidad sa pagkakita ng tinatawag nating mumu.Minsan may nakita daw sila sa salamin sa bahay ng lola nila. Dumadaan daan sa tabi nila. May kaganapan din sa buhay nila na may multong tumalon mula sa taas ng AUF building. Habang bumabagsak ay nagfefedaway ang pigura ng mumu. Kakatakot. Third eye ang tawag sa mga mata ng mga taong nakakakita ng mumu. Ako ata walang ganun kahit malaki ang mga mata ko. Gusto ko ngang sumulat ng isang nobela na ang taytel ay "Mumu sa punsu" . Kung hindi nyo naitatanong, isa din akong nobelista o manunulat o writer kung tawagin sa ingles at icheban kung tawagin sa hapon o islebager sa lenggwahe ni Hitler. Maganda din yun mga nasusulat ko. Halos luvstori. At sa tingin ko pagnapublish yun siguradong award-wining. Parang mga kanta ng Bamboo na award-wining din. Parang sipon din na nagiging kulangot pagnatuyo--wala lang. Basta abangan nyo na lang ang mga istorya ko pagPROFESSIONAL WRITER na ko. Tinde noh. Mabalik tayo sa kwentuhang mumu. Pagusapan natin ang kakayahan naman ng mga mumu. Hmmmmm, ang alam ko malaki ang mga mata nila na panggulat sa taong takot sa kanila. Mas malaki pa sa mga mata ko. May espesyal epeks din sila na pagdurugo ng mukha nila o kaya pugot ang ulo, na madalas gayahin pagHalloween. Mas grabe ang itsura, mas nakakatakot. Meron namang mumu na transparent ang itsura o tumatagos sa pader ang katawan. Lumulutang din sila. Madalas din silang makita sa madidilim na lugar kaya ayokong pumunta sa madidilim na lugar. Dun ata malakas ang powers nila. Meron ding mumu na tinatawag na 'poltergiest'. Tama ba spelling ko?? Nagtutumba sila ng upuan o lamesa na nakikita ko sa t.v.. Sila ang tipo ng mumu na mainitin ang ulo kaya nananakit. Syempre ang panlaban sa kanila ay ang mga psychics na may 3rd eye sa buldet. JOWK. Sila ang kumakausap sa mga mumu o pumupuksa dito kung malakas ang kakayahan mo. Dun nga sa skwelahan ko na SSC nung highschool ako, may mga psychics na pinapunta ang isang titser na naging guro ko. Galing U.P. at HAU ang grupo. Ito ay kwento lang sakin ng gwardiya nila. Pumunta kasi ako dun nung bakasyon para kunin yun goodmoral character ko dun pero hindi ko nakuha kasi wala yun adviser ko. Kinausap daw nila ang namatay naming principal na nawala nung nakaraang taon(2005). Sinabi daw sa kanila ng principal namin na wag na syang intrigahin pa sa pagkamatay nya kaya ganun lang ang nangyari. Sabi naman ng kaibigan kong sila pete at elmoi ay nangingbansa lang daw sya kaya hindi makita. Ewan ko lang kung ano talaga ang katotohanan men. Pero ano kaya ang mangyayari sakin pagkatapos nito. Makakakita na kaya talaga ako ng mumu?? Kakain na siguro ako kasi kanina pa ko tinatawag ng mama ko para kumain ng hapunan. Baboy yun ulam namin. Manyaman neh. Cge mga bro. Mrming slmt sa pagbabasa. Salamt sa oras mo boi. Gbu plgi. Babay.

Wednesday, May 10, 2006

Ang magiting na si Roeo Garduce

Idolo ko si Romy kasi sya ang kauna-unahang pinoy na makakaakyat sa summit ng mt. everest. Astig sya bro higit pa sa PBB teen edition. Pinagprapray ko nga na maging ligtas ang pagakyat nya no. Palagi kong inaabangan yun report ni Chino Trinidad, pagkatapos ng Saiyuki, pati yun Doraemon araw-araw men. Ganda nga kanina ng episode ng doremon eh, naging magkapatid sila damulag at nobita kaya di na sila nagaaway. sige sa susunod na lang mga bro kasi pinapagalitan na ko ng mamsie ko sa tagal ko ditong magtype. Gbu plgi. Babay.