Kamuntikan nako kanina!!
-sana mabless ko kayo sa mababasa nyo o kaya magsilbing lesson sa buhay-
Nagbibitikleta ako sa may subdivision malapit samin (masyado kasi mainit sa bahay kaya namasyal muna, woohh, sobra init, pati mga tao maiinit ang ulo), di ku akalain na mangyayari sakin yun. Nung una umistambay muna sa court para manood lang ng isang game ng basketb0l ng mga kabataan, tapos lumibot sa kailaliman ng subdivision. Ang dilim, bengi na kasi. Hanggang sa mapunta ako sa, ahemm, eto na, basta madilim na kalye, wala masyadong ilaw kaya di ko napansin ang, mabalahibong, maputi at mapangil na ASO!!
Ayun mabilis ang takbo ko tapus kumahol (tumahol o kumahol? basta nag-bark sya, yung 'arf arf' na tunog) yun aso, eh di ko na mapreno, ang ginawa ng aso habang papalapit ako eh sya pang lumapit para ata kagatin ako. Ang bagsik ng itsura nya kaya binilisan ko na lang yun takbo... 'arf arf' tyms ten yun sabi nya sakin... ang bilis nya kaya binilisan ko pa, talagang kakagatin nya ko. Ang alam ko kaya nagiging harmful ang mga hayop pag gusto lang nilang protektahan ang teritoryo nila. Eh ako napadaan lan. Buti sa mabilis kong takbo eh walang nakaharang na k0tse o kung ano o kaya nakasalub0ng ulit na aso kung hindi sigurado sa ospital ang tuloy ko nyan.
Nakakatawa ako kanina habang hinahabol ng aso. Nanginginig ang mukha ko. Adrenalin rush kung tawagin (tinuru sa skul un, search nyo sa google kung di nyo alam).
Hay salamat. Ang unang nasa isip ko habang hinahabol ng aso eh nanay ko. Takot nga ko sa aso (sa totoo lang may trauma ako nung kabataan ko, hinabol din ako ng aso na nakagat ang pwet ko), pero mas takot ako sa mamsie ko pag nalaman nyang dahil sa paglalakwatsa ko nakagat ako ng aso. Lagot talaga ako sa kanya. Pero sa tingin ko pagmamahal lang ang tawag dun. Being a mom that truly cares(w0w english!!).
Tapos na ang kwento. Tulog na tayo, pero pray muna bago tulog.
Nanayt. God bless ΓΌ.
:)
No comments:
Post a Comment