Thursday, November 09, 2006

Kapag umihi ang langit


Naranasan nyo na bang maholdap habang kinikidnap? O kaya malagutan ng hininga habang kumakain ng corned beef? O kaya manood ng 'Harry Potter and the Seven Dwarfs' habang kinakanta ang timsong ng doremon? O kaya magbasa ng isang post sa blog na puro tanong ng isang SIKAT na writer? Kung ako ang tatanungin, hinde pah. Pero naranasan mo na bang ihian ng langit? Yan ang tanong na tayong lahat ay sasagot ng sagot na 'OO'. Ang tinutukoy ko ay ang ulan. Tama, ang ulan ng langit. Sabi ng iba, ang ulan ay ang pag-iyak ng langit tuwing nakakaramdam ito ng kalungkutan. Ang iba naman ay ang ulan ay pag-evaporate ng tubig at pag-condense tapos naging ulan. Ang bersyon naman ng isang(IN THE FUTURE SIKAT) writer na nagngangalang bentot, ang pag-ulan daw ay pag-ihi ng langit. Masasabi din daw na ang mga ipo-ipo o malakas na hangin ay ang pagbaheng ng langit. At ang pagsnow ay mga kulangot na kumakawala sa ilong ng langit. Buti na lang walang snow sa Pinas. Marami na ring mga kanta na sumikat ang patunkol sa ulan. Tulad ng mga ss:
Ulan
--by Rivermaya(na si bamboo pa ang Vocalist)
--para sa mga taong mahilig maligo sa ihi ng langit
Ulan
--by Cueshe
--para sa mga taong hindi makahanap ng chix

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
--ng Apo
--mabuhay ang Apo
Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
--ni R. Velazquez
--para sa mga taong idol si Regine
Umaaraw, Umuulan
--ng Rivermaya
--para sa mga taong naniniwala sa salitang 'PAG-ASA'
Heto ako basang-basa sa ulan
--ng Aegis
--para sa mga taong walang magawa kundi sumigaw
Rain..rain..go away..
--hindi ko alam kung sino ang sumulat
--para sa mga bata, isipbata, itsurang bata at batabatuta
Ayon din sa pag-aaral ko, marami ang nagkakasakit kapag sila'y naulanan, yun ay dahil dumi ng langit ang pag-ulan. Kaya ang payo ko kapatid, wag kang maliligo sa ihi ng langit. Maraming salamat sa pagbabasa at GOD blez alwyz,,ingatz.. :)

No comments: