Magpahinga muna
Sa problemang dinadala
Kung medyo serious ka
Baka naman mabuwang ka
Ang tanging payo ko sa'yo
Simulan mo sa ngiti
At gaganda ang mundo
Ngumiti,tumawa,magsaya,kumanta
Loob mo'y gaganda pati ang problema
Ngumiti,tumawa,magsaya,kumanta
Gagaan pati ang problema
Lam nyo ba ang kantang yan?? Sa H3O(HaHaHaover) Qtvch11 ko napanood at unang napakinggan yan. Ang saya ng kanta lalo na tuwing may problema ka. Ako kinakanta ko yan tuwing namomoblema ako sa problema ko. KJ(killjoy) ka pag di ka napangiti o napatawa sa kantang yan. Sundin mo kung anong nasa kanta at siguradong pepresko ang loob mo.Kung may problema ka pa, manood ka ng mga comedy shows sa tv tulad ng H3O,BFV(yari ka!!) at bubble gang sa kapuso channel at yakitate japan sa ch2. Nakakatawa panoorin ng H3O kasi nakakatawa sila jose manalo na paborito ko at si chuchay at si wally bayola, pati si engelbert. Sa BFV naman, nakakatawa ang mga homevideos at nakakatawa si bitoy tuwing magiibang tao sya. Paborito ko din sya. Mas nakakatawa sya pag di sya si bitoy, pagibang tao sya. Yun yakitate nakakatawa din kasi O.A. sa acting tuwing kakain ng tinapay. Grabe. Nakakatawa yun reaksyon nila tuwing makakakain ng tinapay ang judge. Hehehe. Subukan mo ang mga sinajest ko at siguradong matatawa ka. Pag palagi kang problemado at masungit ang mukha siguradong tatanda ka at papangit ng wala sa oras. Makisalimuha ka sa mga kapwa mo kundi KJ ka. Saka sabi ni kris palagi sa deal or no deal tuwing nalulugi na ang player na P10 na lang ang natitirang briefcase, think pasitib. Sabi nga ng kaibigan kong si pete, lyf s short kaya magpakasaya ka sa kahit papaanong paraan. Basta pagnangyari ang di masyadong inaasahan, humarap ka lang sa salamin at piliting ngumiti, matatawa ka nyan sa sarili mo. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. BWAHAHAHAHA. HEEHEEHEEHEE. AWF AWF AWF AWF AWF. MEOW MEOW MEOW MEOW. Aus ba?? Cge. Mrmng slmt s pgbbsa. Babay.
3 comments:
I really enjoyed looking at your site, I found it very helpful indeed, keep up the good work.
»
I say briefly: Best! Useful information. Good job guys.
»
the title of that song is Ngumiti,tumawa,magsaya,kumanta by Cynthia Garcia. It was one of the finalist on the metro manila popular music festival way back in 1978.
Post a Comment